| Source:https://web.facebook.com/ |
Kada buwan ng Nobyembre,ipinagdiriwang natin ang Values Month. Ngayong taon na ito ang tema ng pagdiriwang ay "Pamilyang Pilipino Patatagin: Susi sa paghubog ng kabataang Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan,at Makabansa.
Layunin nito ang humubog ng kabataang Pilipino na may pananampalataya at takot sa Diyos, may respeto at kayang igalang ang kapuwa, kayang alagaan ang kalikasan, at mahalin ang bayang kaniyang sinilangan.
Alam naman natin na sa tahanan lahat nagsisimula ang ating mga kilos at galaw. Sa ating pamilya tayo unang natututo. Ang ating mga magulang ang gumagabay sa atin noon pa man. Sila ang ating tinutularan.
May mga activities ang EsP club sa celebrasyong ito. Ito ay ang Kite flying, Worship song, Tagis-talino, Mural painting, poster making, at spoken poetry. Layunin ng mga ito ang magbigay aliw at aral sa mga estudyante ng ISNHS.
Comments
Post a Comment